Mga Anino ng Kandila

‎‎‎‎

Written by:

Lumipas ang panahong, madilim na kalangitan — nag-aaguyong mga hangin.
Araw-araw sa kangkungan, kalaban ang gutom — sa ilalim sana’y dinggin.
Buwaya sa gilid ng baha, daig pa kiti-kiti sa pagkuha ng pondo’t pagkembot.
Araw ng libo-libong tauhan walang kalaban-laban, walang malay, walang kibot.
Nananahimik at namamahinga sila’y pinagkaitan at lubos na nagdurusa.
Anino ng mga namayapa, hindi matatahimik — sana’y makamit ang hustisya.
Naghihimok, namumulat, yaong ng mga matang aabante’t lalaban nang kusa.

Anyo ng kagitingan, walang armas, may boses — sisidla ang apoy ng bukas.
Narito ngayo’y kumikilos, gagawa ng progresibo at totoong pagbabago.
Gagambang nakahimlay sa mga bahay, dumi na bumabalot sa rehas ng bayan.

Kanino aasa, sinong makikinig, kung kinalimutan na ng mga nakaupo.
Oras-oras, minu-minuto, segu-segundo, ginto’t pera lalong lumulobo.
Rosas ng kahapon, tuluyang naglaho — ngayo’y isang maingay na multo.
Ang nakalagda sa pahina, lumisan sa kahirapan, kailanman ‘di naging mundo.
Pundasyong subprehistibo, tayo’y lubusan naghihinagpis at boses ay nagluluksa.
Sakanilang ganid, tuluyan bumabagsak ang inang bayan at masa.
Yaman ng bayan, tuluyan na bang mawawala? — nasa mga kandilang alay.
Opresyon sa’tin — tayo na’t tumitindig, lalaban habang iisa’t naka-akbay.
Nawa’y ang mga inapi ng nasa itaas, totoo at malayang makapaglakbay.

Sumisirit na ang gutom at naghihirap — kahit kanino ‘di papaapi.
Alang-alang sa panibagong bukas — tao’y lubusang lalaban, hindi tatanggi.

Buwaya sa tabi’y nakagapos nakatali — kailan kaya mawawala ng tuluyan.
Araw na lamang ang binibilang — para malinis ang kanilang libingan.
Yanig sa ilalim — buhay nila,  laging kinukuha’t inaapi ng mga gahaman
Abang-abang na sa gedli, sumisibat baka susunod na ang atin paglisan.
Naglakbay nang matiwasay — ninanakaw, ang mahimbing nakahimlay.

sulat ni George Cheng

Leave a Reply


Discover more from The Access Point

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue reading