May laya ba?

‎‎‎‎

Written by:

Huni ng mga ibon, malayang paglipad — walang gapos, walang hirap.
Mula sa panahon ng Kastila, patuloy lamang tayong humihirap sa hinaharap.

Dayuhan nga ba ang namamayani? Sadyang tayo ba’y may laya?
Sa panahon ngayon, saan nga ba tayo papunta? Kaya pa bang tumaya?
Pilipino laban sa Pilipino — sa bansang Pilipinas — patuloy lamang nadadaya.

Panlilinlang ng sistema — pamana mula sa mga aninong namumutla.
Kadiliman at kasamaan — naglalaban, saad nang berdeng pilit nagwawala.
Nagdurusa sa mga pangalang may katayuan, wala namang maayos na galaw.

Hunyo 1898 lumaya, Hunyo 2026 na ngunit ang ibon ay nakakulong sa hawla.
Naganap nga ba ang tunay na paglaya o ito ay palabas lamang sa bayan. 
Tila tala na lamang ang pagbubuklod ng nakaraan sa kasalukuyang kasanayan.
Nawala na ang tuwa — mulat na ang bansa, matanda at bata, hindi na naaawa.

Naririnig ko pa rin ang kalansing ng mga tanikala sa iilang apelyido.
Dati ay dayuhan ang pumipigil — ngayo’y Pilipinong hangad ay imperyo.
Sa bawat watawat na nakasabit, danas ba ang binuwis mula puso.
Kung ang kalayaan ay hindi natatamasan — ito ba ay isang pribilehiyo.

Ang ibon ay patuloy na lilipad habang hinahanap ng inang bayan ang sagot.
Kailanman tayo ang tatanggap — “serbisyong ‘di tapat, lubog tayong lahat” — lagot.

Poem by George Jefferson Cheng
Art by Pocholo Tolentino

Leave a Reply


Discover more from The Access Point

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue reading