Hindi niya gusto ang kasikatan,
Malayang bansa lamang ang hangad.
Sa hirap, siya’y nagsilbing tanglawan.
Sa dilim, siya ay lumaban agad.
Nakulong, patuloy na lumaban.
Tinig niya’y naging lakas at sigaw.
Hindi pangsariling kalayaan,
Bagkus para sa bayan ang galaw.
Pinatahimik — hinagpis ng masa.
Nagising sa kasinungalingan.
Sa balang nakaukit— dugo’t ngalan.
Diktadurya’y ngayo’y wawakasan.
Lupang sinilangan ay minahal.
Si Ninoy ay hindi naging hangal.
Ni George Cheng




Leave a Reply