“Ang hindi marunong magmahal
sa sarili niyang wika
ay higit pa sa hayop at malansang isda”,
ika nga ni Gat Jose Rizal…
Kulturang kumikinang,
Wikang sing lapot ng dugo,
Sa pusong Pinoy ba’y,
Maglalaho o lago?
May saysay pa ba ang sagot sa mga katulad kong,
Pag asa ng bayan,
Wika’y pano lalago?
Maski dokumento ng pagbabago,
Nakatala sa dilang pang dayo.
Pag asa ng bayan,
P’ano maeenganyo?
Sa Eskwela’t tuluyan,
Ingles ang baybay ng isang henyo.
Malasakit ng magulang?
O Demanda ng sistema?
Sinong magsasabing humigit,
sa lansangang ito?
Ngunit gayumpaman, tawagin natin sa pangalan.
Anak ng kasalukuyan,
Tagpi tagping pagkakilanlan,
Para sa magandang kapalaran,
O “wala lang,,, kagustuhan!”
Ako’y anak ng bayan,
Maakit man ng mundo,
Wika’y maging aking daan,
Sa pusong tahanan.
Tula ni Hans Ignacio




Leave a Reply